I
Tayo'y tinawag upang ihayag
Si Hesus lang ang daan,
Magpakumbaba, bahagi'y gawin
'Yan ang ating tungkulin,
Hula'y natupad, huwag magpaliban
Si Hesus nagliligtas,
Dahil sa mundo, Siya ay namatay
Ito'y isasaysay
Koro
Salita Niya'y tangan, sulong sa gawain
Hanggang sa Siya'y mahayag,
Trumpeta'y hihipan, uugong ang langit
Hari ay dumarating,
May kal'walhatian at kapangyarihan
Oh araw ng kagalakan!
II
Ating hilingin ang huling ulan
Magka-isang hahayo,
Magkakahawak, tayo'y titindig
Ihahayag sa mundo,
Siya ang "Ako Nga", ang Panginoon,
Itaas ang papuri!
Mga hiwaga'y masasaksihan
Kung mananatili
Koro
Salita Niya'y tangan, sulong sa gawain
Hanggang sa Siya'y mahayag,
Trumpeta'y hihipan, uugong ang langit
Hari ay dumarating,
May kal'walhatian at kapangyarihan
Oh araw ng kagalakan!
Koro
Salita Niya'y tangan, sulong sa gawain
Hanggang sa Siya'y mahayag,
Trumpeta'y hihipan, uugong ang langit
Hari ay dumarating,
May kal'walhatian at kapangyarihan
Oh araw ng kagalakan!