I
Pag mukhaan kong makita
Ang nagligtas sa sala,
Pupurihin ko tuwina,
Napakong walang sala.
Koro
Mukhaan kong makikita
Sa langit na masaya
L'walhating walang kapara
Ng nagligtas sa sala.
II
Ngayo'y bahagya pa lamang
Kung Siya ay mamasdan,
Nguni't pagdating ng araw
Mamasdan kong mukhaan.
Koro
Mukhaan kong makikita
Sa langit na masaya
L'walhating walang kapara
Ng nagligtas sa sala.
III
Sa harap N'ya'y anong galak
Kung mat'wid na ang lahat,
Kung lumipas na ang hirap
Dilim ay lumiwanag.
Koro
Mukhaan kong makikita
Sa langit na masaya
L'walhating walang kapara
Ng nagligtas sa sala.
IV
Oh, masanghayang umaga,
Ng ating pagkikita,
Lagi nang magsasama
Magpasa-walang hangga.
Koro
Mukhaan kong makikita
Sa langit na masaya
L'walhating walang kapara
Ng nagligtas sa sala.