106

Kung ang Trumpeta ng Diyos

0:000:00
100%

I

Kung ang trumpeta ng Diyos ay marinig na ng lahat
At ang umaga nama'y mamanaag,
Kung sa Kanya ang tanang maliligtas ay matipon,
Ako ay haharap din at doroon.

Koro

Kung hipan na ang trumpeta,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang trumpeta,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!

II

Kung sa umagang yaon ang banal ay magsibangon
Upang suma-Kanya habang panahon,
Kung magsasama na ang hinirang ng Panginoon,
Ako ay haharap din at doroon.

Koro

Kung hipan na ang trumpeta,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang trumpeta,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!

III

Tayo ay magsipaglingkod sa Kanya araw-araw,
Ang pag-ibig Niya'y h'wag kalimutan;
Kung ang buhay at gawain sa lupa'y matalunton,
Ako ay haharap din at doroon.

Koro

Kung hipan na ang trumpeta,
Sa Kanya ako'y haharap,
Kung hipan na ang trumpeta,
Ako'y kasama ng mangaliligtas!