I
Magandang Jesus, Haring Manlalalang,
Oh Diyos Anak, tanging hirang!
Iibigin Ka't pararangalan,
Aking kaluwalhatian.
II
Ang kaparangan at ang kakahuyan,
May bihis na kagandahan;
Lalong marikit, Lalong dalisay,
Si Jesus na nagmamahal.
III
Araw at buwan, At mga bituin,
Magaganda't maniningning;
Higit si Jesus na maluningning.
Kaysa do'n sa mga anghel.
IV
Dakilang Jesus, aming Panginoon,
Luwalhati at paggalang,
S'ya namang alay magpasalamat,
Ngayon, magpakailanman.