154

Kaluluwang Tigib Sala

0:000:00
100%

I

Kaluluwang tigib sala, kay Jesus umasa;
Upang magkamit ginhawa'y talimahin Siya.

Koro

Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't
Ililigtas ka ngayon na, ililigtas ka.

II

Magsisi lamang mataos at magbalik loob,
Ay malilinis kang lubos sa dugo ni Jesus.

Koro

Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't
Ililigtas ka ngayon na, ililigtas ka.

III

Lubos kang pagpapalain kung iyong sambahin
Si Jesus na masintahing kusang gumigiliw.

Koro

Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't
Ililigtas ka ngayon na, ililigtas ka.

IV

Halina at makipisan sa nangaglalakbay
Na patungo sa tahanang walang kawakasan.

Koro

Magtiwala ka sa Kanya, magtiwala ka't
Ililigtas ka ngayon na, ililigtas ka.