I
Tawag Mo'y narinig.
Kaya't lumalapit.
Upang puso ko'y malinis,
Dugo Mo'y natigis.
Koro
Ako'y tanggapin,
Sa Iyong piling,
Ang tanging aking hiling
Ako ay linisin.
II
Bagama't mahina,
Marumi't salanta,
Linisin Mo alipala't
Mag babagong kusa.
Koro
Ako'y tanggapin,
Sa Iyong piling,
Ang tanging aking hiling
Ako ay linisin.
III
Ako'y tinawagan
Sa ikababanal
At upang pagtiyagaan
Nang langit makamtan.
Koro
Ako'y tanggapin,
Sa Iyong piling,
Ang tanging aking hiling
Ako ay linisin.
IV
Purihin ng lahat
Si Cristong nagkalag
Sa salang gapos sa lahat
Upang makaligtas.
Koro
Ako'y tanggapin,
Sa Iyong piling,
Ang tanging aking hiling
Ako ay linisin.