196

Ako'y Ilapit sa Krus

0:000:00
100%

I

Ako'y ilapit sa krus,
Mapagpalang Jesus;
May mahalagang bukal,
Doo'y umaagos.

Koro

Do'n sa krus, do'n sa krus,
Aking l'walhati Ka,
Hanggang sa kaluluwa'y
Makapagpahinga.

II

Ang pag-ibig at habag,
Sa krus nasumpungan;
Ang Tala sa Umaga,
Doon ay makinang.

Koro

Do'n sa krus, do'n sa krus,
Aking l'walhati Ka,
Hanggang sa kaluluwa'y
Makapagpahinga.

III

Ang mga tagpo sa krus,
Sa 'ki'y ipakita;
Ako ay tulungan Mo
Na lumakad t'wina.

Koro

Do'n sa krus, do'n sa krus,
Aking l'walhati Ka,
Hanggang sa kaluluwa'y
Makapagpahinga.

IV

Do'n sa kalapit ng krus
Ako'y maghihintay,
Hanggang aking sapitin
Ang kabilang pampang.

Koro

Do'n sa krus, do'n sa krus,
Aking l'walhati Ka,
Hanggang sa kaluluwa'y
Makapagpahinga.