201

Upang Malapit sa Diyos

0:000:00
100%

I

Upang malapit sa Diyos
Kailanga'y ilaw.
Na aakay sa akin sa
Kordero kong mahal.

II

Magbalik, O Kalapati,
Matamis na sugo;
Suklam ako sa mga salang
Sa 'Yo'y naglalayo.

III

Oras ng kapayapaang
Minsa'y kinas'yahan!
Nguni't kahungkaga'y naiwan
Na di mapupunan.

IV

Anumang diyus-diyusang
Pinakamahal,
Tulungan Mong mawasak ko
Sa trono mong mahal.