I
Nais ko, Poong Jesus, maging ganap,
Kaluluwa ko'y tahanang masikap,
Iwalat ang lahat ng pampahirap;
Paputiin akong parang busilak.
Koro
Poong Jesus, ako'y iligtas.
At pagmanahin ng buhay at galak!.
II
Magmula sa mga langit, tunghayan.
Sa ganap na hain ako'y tulungan,
Ang aking sarili'y inilalagak.
Paputiin akong parang busilak.
Koro
Poong Jesus, ako'y iligtas.
At pagmanahin ng buhay at galak!.
III
Poong Jesus, aking idinaraing.
At ako'y nag-aantay pagpalain,
Tawag ko'y pakinggan at bigyang lingap;
Paputiin akong parang busilak.
Koro
Poong Jesus, ako'y iligtas.
At pagmanahin ng buhay at galak!.
IV
Sa pananampalataya'y nakita.
Dugo Mong bumukal dahil sa sala,
Kaya't bagong puso ang aking hangad;
Paputiin akong parang busilak.
Koro
Poong Jesus, ako'y iligtas.
At pagmanahin ng buhay at galak!.