I
Ang lahat sa 'ki'y kunin na,
Si Jesus ang itira.
Sa pag-ibig N'ya'y aasa,
Na hindi mag-iiba.
Koro
Ang luwang, lalim, at taas,
Ng pag-ibig N'yang wagas,
Ay walang makakasukat,
Pagka't sa langit buhat.
II
Lahat na, sa aki'y kunin,
Kay Jesus lang ipiling,
Anumang hirap ang datnin,
Masayang aawit din.
Koro
Ang luwang, lalim, at taas,
Ng pag-ibig N'yang wagas,
Ay walang makakasukat,
Pagka't sa langit buhat.
III
Kunin ang lahat ng bagay,
Si Jesus lang ang iwan,
Kung S'ya'y kasama sa buhay,
Sa daan ko'y may ilaw.
Koro
Ang luwang, lalim, at taas,
Ng pag-ibig N'yang wagas,
Ay walang makakasukat,
Pagka't sa langit buhat.
IV
Lahat ay iiwang lubos,
Kasama lang si Jesus,
Mukha N'ya'y mapapanood,
Kung ang lahat matapos.
Koro
Ang luwang, lalim, at taas,
Ng pag-ibig N'yang wagas,
Ay walang makakasukat,
Pagka't sa langit buhat.