I
Panginoon Naming Jesus!
Dakilang Mananakop
Na nagbayad at tumubos
Sa sala'y pagkagapos!
Koro
Oh! kahanga-hangang Jesus na Mananakop!
Sa sala'y umako't
Buhay ang kaloob!
II
Kapuri-puring panlinis
Sa kaluluwang dungis!
Dugong sa sala'y nag-alis
Upang sa Diyos malapit!
Koro
Oh! kahanga-hangang Jesus na Mananakop!
Sa sala'y umako't
Buhay ang kaloob!
III
Nilinis sa aking puso
Salang doo'y natago;
Siya ngayo'y nagpupuno
At sama'y pinasuko!
Koro
Oh! kahanga-hangang Jesus na Mananakop!
Sa sala'y umako't
Buhay ang kaloob!
IV
Siya'y lagi kong kasama
Saan man S'ya pumunta;
Pinapagtatapat t'wina
Ako sa Diyos na Ama!
Koro
Oh! kahanga-hangang Jesus na Mananakop!
Sa sala'y umako't
Buhay ang kaloob!