I
Hinog na ang mga uhay
Sa bukirang malawak
At sa liwanag ng araw
Masdan at nakabilad.
Koro
Panginoon, Iyong dinggin
Ang aming panawagan,
Mang-aani ay suguin
Di namin magampanan.
II
Sa umaga't sa tanghali,
Sila'y Iyong suguin,
At sa pagdating ng gabi,
Sila'y Iyong tipunin.
Koro
Panginoon, Iyong dinggin
Ang aming panawagan,
Mang-aani ay suguin
Di namin magampanan.
III
Oh! sugo ng Panginoon,
Gintong uhay, pisanin,
Pagka sumapit ang hapon
Tuwa'y iyong kakamtin.
Koro
Panginoon, Iyong dinggin
Ang aming panawagan,
Mang-aani ay suguin
Di namin magampanan.