258

Samantalang Maaga

0:000:00
100%

I

Samantalang maaga gumawa't darating,
Gabing ipapahinga sa 'yong tungkulin;
Isaayos mong lahat ang iyong gawain
Nang makatapos agad bago dumilim.

II

Gawin bawa't gawain habang may liwanag;
Oras h'wag aksayahin igawang lahat;
Iyong alintanahin ang lahat ng hirap.
Dumarating ang dilim kaya't magsikap.

III

Araw ay nagtutulin sa kanyang paglubog.
Kaya't dagling tapusin at isaayos.
Ang minulang gawai'y isingit na lubos
Sa ibang adhikain nang makatapos.