262

Sa Kabanalan ng Banal na Araw

0:000:00
100%

I

Sa kabanalan ng banal na araw;
Sa kagandahan ng sanlibutan.
Ang pasalamat at mga papuri.
Galing sa Iyong mga nilalang.

II

Kahit ang taong Iyo ring nilikha;
Ay nalimutan ang Iyong mukha,
Ngunit ang nalabi ay nanatili.
Sa pagsunod sa Iyong pagpili.

III

Panginoon ng lahat ng nilalang.
Payapain ang naguguluhan.
Mangusap ka sa aming nga puso.
Nang mapayapa ang aming diwa.

IV

Kalakasan at kababaang loob.
Ang mabanaag sa aming puso.
Ng makapasok sa pintuang banal.
At umawit ng kalwalhatian.