I
Maluwalhating araw,
Tanging kagalang-galang,
Ipinagpahingalay
Ng Diyos nating lumalang!
II
Araw na binasbasan
At pinapaging banal;
Kung ito nga'y igalang
Tayo'y mangabubuhay.
III
Araw na lubhang banal
Pagpuri sa lumalang,
Sambahi't dalanginan
Ang nagbigay ng buhay.
IV
Batiin na may galak
Araw ng kabanalan.
Pagpapala ang taglay
Sa puso'y may paggalang.