280

May Isang Lupaing Mainam

0:000:00
100%

I

May isang lupaing mainam,
Sa malayo ay natatanaw;
Ang Ama doo'y naghihintay,
At naghahanda ng tahanan.

Koro

Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan; nang tunay,
Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan.

II

Tayo'y doon mag-aawitan,
Ng awit na may kabanalan,
Lungkot ay di mararanasan,
Sa biyayang kapahingahan.

Koro

Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan; nang tunay,
Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan.

III

Sa Ama nating mahabagin,
Ang pagpupuri ay awitin,
Dahil sa kaloob na giliw,
At pagpapalang sumaatin.

Koro

Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan; nang tunay,
Sandali na lamang, Sandali na lamang,
Doon tayo mangagpipisan.