286

Ako'y May Kaibigang sa Akin ay Mahal

0:000:00
100%

I

Ako'y may Kaibigang sa akin ay mahal,
Ako'y iniibig Niya nang wagas at banal;
Nais ko'y kapiling Siya at laging kaakbay,
Kaya nga magsasama, habang buhay.

II

Batid Niyang mahina ang sariling ito,
Sa aking panlulupaypay Siya ang saklolo;
Sa landas ng liwanag ay inaakay ako,
Kaya kami'y lalakad ni Jesus ko.

III

Ipinagtatapat ko sa Kanya ang lahat
Ng kasiyahan ko't hirap, kalungkuta't galak;
Kanya na mang sinasabing Ako ay magsikap,
Kaya kami ni Jesus, Nag-uusap.

IV

Alam N'ya ang hangad ko na makahikayat,
Kaya't ako'y inatasang Salita'y itanyag;
Pati ang Kanyang pag-ibig ay aking ihayag,
Kaya't kami'y gagawang mapanatag.