I
Kapanatagan na mapalad
Ang sa kay Jesus ko ay magalak
Sa dugo Niya ay nahugas
Ang kasalanan ko't bagabag.
Koro
Ito ay aking aawitin
Ibabalitang walang tigil;
Pangalan Niya'y pupurihin
Habang may buhay akong angkin.
II
Lubos na pagpapakumbaba
Ang hinahangad kong managana
Upang malasap ang biyaya
Ng pag-ibig Niyang sagana.
Koro
Ito ay aking aawitin
Ibabalitang walang tigil;
Pangalan Niya'y pupurihin
Habang may buhay akong angkin.
III
Ako ay Kanya't Siya'y akin;
Paglilingkuran at hihintayin
Nang ang buhay ko'y pagpalain
Ay ihahandog kong taimtim.
Koro
Ito ay aking aawitin
Ibabalitang walang tigil;
Pangalan Niya'y pupurihin
Habang may buhay akong angkin.