I
Jesus na Kaibigan
Ng kaluluwang banday
Ako'y huwag bayaang
Madaig ng kaaway;
Ikanlong ako, Jesus,
Ng Iyong pagkukupkop
Hanggang sa mangatapos
Bagabag at sigalot.
II
Walang ibang kanlungan
Akong matatahanan
Ikaw nga, Ikaw lamang
Aking inaasahan;
Ang tulong na sagana sa
Iyo'y nagmumula
Ako ay kinalinga
Sa hirap at dalita.
III
Ikaw ang kailangan
Higit sa anong bagay,
Nagbibigay ligaya,
Sa mga nalulumbay;
May dalang kagalingan
Sa sinomang may damdam;
Patawad ang alok N'ya,
Sa sino mang may sala.
IV
Sa Iyo nasumpungan
Higit sa kailangan
Patay ay binubuhay
Bulag ay inaakay;
Akong makasalanan
Gumon sa kamalian
Ay Iyong kahabagan
Biyaya Mo'y pakamtan.