328

Sa Mapalad na Oras ng Pananalangin

0:000:00
100%

I

Sa mapalad na oras ng pananalangin,
Tayo ay magtitipon sa Kanyang piling;
Tayo ay magsilapit kay Jesus na giliw,
Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!

Koro

Oh, pinagpalang oras ng dalangin,
Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.

II

Sa mapalad na oras ng pananalangin,
Pakikinggan Niya ang ating pagdaing;
At sa lahat ng ating dusa ng damdamin,
Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!

Koro

Oh, pinagpalang oras ng dalangin,
Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.

III

Sa mapalad na oras ng pananalangin,
Sa Kaniyang harapan, lingap ay hingin;
Sa Kanya ay ilapit ang ating panimdim,
Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!

Koro

Oh, pinagpalang oras ng dalangin,
Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.

IV

Sa mapalad na oras ng pananalangin,
Ay sumampalatayang Kanyang diringgin,
At ipagkakaloob ang anumang hingin;
Biyaya N'ya'y panlunas! Kay tamis lasapin!

Koro

Oh, pinagpalang oras ng dalangin,
Panlunas ka sa pagod, hirap at hilahil.