334

Akong Namatay na Kasama Niya

0:000:00
100%

I

Akong namatay na kasama N'ya,
Nabubuhay ngayon ang pag-asa;
L'walhati ay hinihintay t'wina,
Pagka't ako ay sumasa Kanya.

Koro

Sa t'wi-t'wina, ako'y iniibig,
Sa t'wi-t'wina'y may buhay sa langit;
Hintay si Jesus hanggang mamasid,
Kalwalhatiang tinatangkilik.

II

Sa bawa't hirap Siya'y kasama,
Nakikiramay sa bawa't dusa,
Sa bawa't lungkot kabahagi S'ya,
Ng sa t'wi-t'wina'y sumasa Kanya.

Koro

Sa t'wi-t'wina, ako'y iniibig,
Sa t'wi-t'wina'y may buhay sa langit;
Hintay si Jesus hanggang mamasid,
Kalwalhatiang tinatangkilik.

III

Walang damdamin, walang himutok,
Walang pag-luhang di Niya sayod;
Kung nasa panganib, kinukupkop,
Ng sa t'wi-t'wina'y napapasakop.

Koro

Sa t'wi-t'wina, ako'y iniibig,
Sa t'wi-t'wina'y may buhay sa langit;
Hintay si Jesus hanggang mamasid,
Kalwalhatiang tinatangkilik.

IV

Bawa't kahinaan at damdamin,
Bawa't sakit ay mapagagaling,
Niyang sa t'wi-t'wina ay kapiling,
Ng sa t'wi-t'wina ay mapagaling.

Koro

Sa t'wi-t'wina, ako'y iniibig,
Sa t'wi-t'wina'y may buhay sa langit;
Hintay si Jesus hanggang mamasid,
Kalwalhatiang tinatangkilik.