348

Kahanga-hangang Tagapagligtas

0:000:00
100%

I

Kahanga-hangang Tagapagligtas ko,
Ang Panginoon kong Jesus;
Ako'y ikinubli sa isang bato,
Na doo'y ligtas na lubos.

Koro

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay;
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

II

Kahanga-hangang Tagapagligtas ko,
Ang Panginoon kong Jesus;
Pinalakas, pinatibay N'ya ako,
Hindi ako makikilos.

Koro

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay;
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

III

Di mabilang na mga pagpapala
Ang iginagawad t'wina,
Kaya't inaawit ko sa aking tuwa,
Pagl'walhati ko sa Kanya.

Koro

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay;
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.

IV

Kapag naramtan ng Kaniyang ningning,
Ako'y mapapasalangit.
At Siya ay aking makakapiling,
Pagliligtas N'ya ang awit.

Koro

Kanyang ikinubli ang kalu'lwa ko
Sa bato ng aking buhay;
Ako'y iningatan ng Kanyang kamay;
Sa pag-ibig N'yang dalisay,
Sa pag-ibig Niyang tunay.