352

Anong Tamis ng Magtapat

0:000:00
100%

I

Anong tamis ng magtapat
Kay Jesus hanggang wakas!
Salita Niya ay sapat
Sa iyo na magligtas!

Koro

Jesus! Jesus! Oh, kay sarap
Ang sa Iyo'y magtapat!
Di magsasawang maglagak
Ng lihim ko ma't hayag!

II

Oh! kay tamis ng magtapat
Kay Jesus na nagligtas,
Sa Kanyang dugong dumanak
Sala ko ay nahugas!

Koro

Jesus! Jesus! Oh, kay sarap
Ang sa Iyo'y magtapat!
Di magsasawang maglagak
Ng lihim ko ma't hayag!

III

Kung magtapat ako't iwan
Ang mga kasalanan,
Kay Cristo'y tatanggap naman
Ng t'wa't kapayapaan!

Koro

Jesus! Jesus! Oh, kay sarap
Ang sa Iyo'y magtapat!
Di magsasawang maglagak
Ng lihim ko ma't hayag!

IV

Jesus, ako'y nagagalak
Na sa Iyo'y magtapat,
Sa lahat nawa ng oras
Ikaw'y laging kaharap!

Koro

Jesus! Jesus! Oh, kay sarap
Ang sa Iyo'y magtapat!
Di magsasawang maglagak
Ng lihim ko ma't hayag!