364

Sa Batong Buhay na si Jesus

0:000:00
100%

I

Sa Batong buhay na si Jesus,
Ay magtatayo nga tayo;
Kaya tayo ay mapanatag,
Pag nagngalit ang bagyo.

Koro

Sa Batong buhay,
Magtayo tayo;
Sa Batong buhay, magtayo tayo;
Sa Batong si Cristo.

II

May nagtatayo sa buhanginan,
Yaman ang s'yang tinitingnan;
May nagtatayo sa kasalanan,
Sa mundong kalayawan.

Koro

Sa Batong buhay,
Magtayo tayo;
Sa Batong buhay, magtayo tayo;
Sa Batong si Cristo.

III

Kayo'y magtayo sa Batong buhay,
Saligang tunay, matibay;
Pag-asa nito'y tumatagal,
Pag-asang kaligtasan.

Koro

Sa Batong buhay,
Magtayo tayo;
Sa Batong buhay, magtayo tayo;
Sa Batong si Cristo.