I
Kailangan Kita, Jesus! Ako'y mahina't bulag;
Ako'y hawaka't akayin;
Nasa Iyo ang lakas.
Koro
Sa lahat ng oras,
Kailangan Ka, Oh Jesus!
Sa lahat ng oras,
Ingatan akong lubos.
II
Bihisan ng kaamuan
Akong makasalanan;
At sa aking kahinaan,
Bigyan Mong kalakasan.
Koro
Sa lahat ng oras,
Kailangan Ka, Oh Jesus!
Sa lahat ng oras,
Ingatan akong lubos.
III
Kung Ikaw ang umaakay,
Ligtas, ako't iwasay;
Akbayan ako sa daan,
Ilaw Ka't aking buhay.
Koro
Sa lahat ng oras,
Kailangan Ka, Oh Jesus!
Sa lahat ng oras,
Ingatan akong lubos.
IV
Anuman ang kahantungan,
Tuwa o kalumbayan,
Ikaw rin ang kakapitan,
Kalul'wa'y tutulungan.
Koro
Sa lahat ng oras,
Kailangan Ka, Oh Jesus!
Sa lahat ng oras,
Ingatan akong lubos.