I
Ang unang Noel ay inihimig
Ng anghel sa mga pastol sa bukid
Do'y iningatan mga tupang ibig
Isang gabi noon na tahimik.
Koro
Noel, Noel, Noel, Noel
Sumilang Hari ng Israel.
II
Tumingala sila't namasdan
Ang isang tala sa silangan
At sa lupa ay tumanglaw
At ito'y nagpatuloy gabi't araw.
Koro
Noel, Noel, Noel, Noel
Sumilang Hari ng Israel.
III
Sa liwanag ng tala ring iyon
Tatlong pantas ang dumating doon
Isang hari ang kanilang layon
At sundan ang tala sa'n man humantong.
Koro
Noel, Noel, Noel, Noel
Sumilang Hari ng Israel.
IV
Tala'y napasahilagang kanluran
Sumaibabaw ng Bethlehem na bayan
At ang dakong kinalalagyan
Ni Jesus ay siyang tinapatan.
Koro
Noel, Noel, Noel, Noel
Sumilang Hari ng Israel.
V
Ang tatlong pantas ay nagsipasok
Buong galang silang nanikluhod
At sa harap Niya ay nangaghandog
Ng ginto, mira't insensong pansuob.
Koro
Noel, Noel, Noel, Noel
Sumilang Hari ng Israel.