I
Dinggin at umawit, Mga anghel sa langit,
"Luwalhati sa Haring Sumilang sa daigdig!"
Sa tagumpay ng langit, Tayo ay makianib,
Ang pagsilang ni Kristo'y Itanyag na masugid.
Koro
"Luwalhati sa sumilang, Hari ng daigdigan."
II
Si Kristong sinasamba, Panginoo'ng walang hanggan.
Sa sabsaba'y sumilang, Sa saliw ng awitan.
Si Kristo ay dumatal, Emmanuel ang pangalan!
Koro
"Luwalhati sa sumilang, Hari ng daigdigan."
III
Batiin ang Prinsipe! Na araw ng Katwiran!
Ang dulot N'ya sa lahat: Buhay, kaliwanagan.
Sumilang nang ang tao Ay huwag nang mamatay.
Koro
"Luwalhati sa sumilang, Hari ng daigdigan."