74

Isalaysay Mo sa Akin Kasaysayan ni Jesus

0:000:00
100%

I

Isalaysay mo sa akin
Kasaysayan ni Jesus,
Isalaysay mo sa akin
Ang buhay Niyang puspos;
Kung paanong nang sumilang
S'ya'y binati nang taos
Ng mga anghel sa langit,
At nal'walhati ang Diyos.

Koro

Isalaysay mo sa akin
Kasaysayan ni Jesus,
Isalaysay mo sa akin
Ang buhay Niyang puspos.

II

Nang sa ilang nag-ayuno,
Saysayin ang dinanas,
Kung paanong S'ya'y tinukso,
At nagwagi sa wakas;
Saysayin ang tiniis N'yang
Pagod, lungkot at hirap,
Dinalamhati't hinamak,
Itinakwil at sukat.

Koro

Isalaysay mo sa akin
Kasaysayan ni Jesus,
Isalaysay mo sa akin
Ang buhay Niyang puspos.

III

Ang krus na pinagpakuan
Ay iyong isalaysay,
Pati ang pinaglibinga't
Ang Kanyang pagkabuhay;
D'yan ay higit kong namalas
Pag-ibig N'yang dalisay,
Na sa akin at sa iyo
Ay tumubos na tunay.

Koro

Isalaysay mo sa akin
Kasaysayan ni Jesus,
Isalaysay mo sa akin
Ang buhay Niyang puspos.