I
May nagkusang nag-alay ng buhay Niya.
Nang ang gaya ko ay maligtas.
At ang hirap sa krus timtimang binata.
Nang sa sala ako'y mahugas.
Koro
Nangapako sa krus sala kong naimpok.
Kusang-loob Niyang dinala!
Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos.
Sa pag-ako Niya sa sala!
II
Siya ay matiyaga at matiisin.
Nang ako'y nililinis Niya.
Lahat ng sala ko'y sa krus ibinitin.
Kaya't ako nama'y ligtas na.
Koro
Nangapako sa krus sala kong naimpok.
Kusang-loob Niyang dinala!
Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos.
Sa pag-ako Niya sa sala!
III
Si Jesus ay hindi ko hihiwalayan.
Sa paglakad ko'y mamamalas.
May awit ang pusong sa bibig taglay.
Na ang sala ko ay nahugas.
Koro
Nangapako sa krus sala kong naimpok.
Kusang-loob Niyang dinala!
Pag-ibig ni Jesus nahayag na lubos.
Sa pag-ako Niya sa sala!