82

Sa Tuktok ng Isang Gulod

0:000:00
100%

I

Sa tuktok ng isang gulod na mababa,
Ay may isang krus na luma.
Doo'y ipinako si Kristong dakila,
Patungkol sa sala ng madla!

Koro

Aariin kong isang yaman,
Ang krus N'yang kamahal-mahalan.
Sa wakas ito'y papalitan,
Ng isang putong na makinang.

II

Oh ang krus na yaong inaalimura,
Sa akin ay mahalaga.
Sa pagka't si Kristo ang Siyang nagdala,
Doon sa bundok ng Golgota.

Koro

Aariin kong isang yaman,
Ang krus N'yang kamahal-mahalan.
Sa wakas ito'y papalitan,
Ng isang putong na makinang.

III

Oh sa krus na yaon ako'y magtatapat,
Mamahalin hanggang wakas.
Pagsapit ng araw aking ilalapag,
At ako sa langit lilipat!

Koro

Aariin kong isang yaman,
Ang krus N'yang kamahal-mahalan.
Sa wakas ito'y papalitan,
Ng isang putong na makinang.