114

Kung Lahat ng Bansa'y Matipon

0:000:00
100%

I

Kung lahat ng bansa'y matipon
Haharap sa paghuhukom,
Pa'no tayo tatayo roon
Kung ilagda na ang hatol?

Koro

Ang trigo'y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa'y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?

II

Sa atin kaya ay sabihin:
"Kayo'y tapat na alipin,"
O sa takot at pagkalagim
Ay matatapon sa dilim?

Koro

Ang trigo'y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa'y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?

III

Buong tuwa Niyang mamasdan
Ang bawa't may tandang taglay.
Sila ay Kanyang bibihisan
Ng ganda ng kalangitan.

Koro

Ang trigo'y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa'y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?

IV

Magpuyat tayo at maghintay,
Laging ningningan ang ilaw,
Nang kung tumawag ang kakasal
Ay masalubong sa daan.

Koro

Ang trigo'y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa'y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?

V

Mamuhay ng tapat sa Kanya
Magtyaga sa panig Niya.
Matapos ang ating lakbayin
Sa Kanya tayo'y akayin.

Koro

Ang trigo'y titipunin sa bangan
Ngunit ang ipa'y babayaan,
Alin ang ating kalalagyan
Kung dumating na ang araw?