I
Pagdating ng pag-aani
At ng sanlibong taon,
Sa paghukom sa marami
Ng ating Panginoon,
Ang lahat ay tatawagan
Sa harap ng luklukan,
Ang ganti ay ibibigay
Pag ang Hari'y dumatal.
II
Ang galak ng Kanyang bayan
Ay walang makapara,
Kung sila'y gantimpalaan
Sa lahat nilang dusa;
Sa pintong perlas na lantay
Papasok silang tanan.
Ang buhay ay ibibigay
Pag ang Hari'y dumatal.
III
Naghirap na nangagpunla
Ng mahalagang bagay,
Upang ang iba'y mahanda
Sa pagtanggap ng buhay;
Sa langit wala nang luha
Wala nang kapanglawan
Putong natin ay kakamtan
Pag ang Hari'y dumatal.
IV
Pumanaw na minamahal
Dulot sa 'tin ay lumbay,
Bawat luha'y mapapawi
Kung si Cristo'y dumatal;
Huwag tayong manlupaypay
Dahil sa sala't lumbay
Ating alamin ang bukas
Pag ang Hari'y dumatal.