I
Mga tanda'y natupad nang lahat,
Sinasabing darating si Jesus;
Kami'y nag-aantay nang maluwat,
Dumating Ka nawa aming Manunubos!
Koro
Lahat ay ating balitaang.
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
"Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"
II
Buwan, bituin, pati ng araw,
Nagsasabing Siya'y malapit na,
Mga bansa'y naliligaligan,
Masasamang puso'y pawang nangangamba!
Koro
Lahat ay ating balitaang.
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
"Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"
III
Ito'y kagalakang walang hangga,
Sa nagbabalitang matiyaga,
Pawang saksing napakalapit na.
Ang pamimitak ng araw na dakila!
Koro
Lahat ay ating balitaang.
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
"Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"
IV
Kaya't tayo'y masiglang gumawa,
Di na tatagal darating Siya,
Ang nagsisi ay hindi sasalang.
Papasok sa pinto't magpupuri t'wina!
Koro
Lahat ay ating balitaang.
Siya ay hindi na magtatagal;
Tuloy ating idalanging tanan:
"Jesus, h'wag magluwat sa Iyong pagdatal!"