I
Umawit sa kagalakan;
Magdiwang sa awitan;
Pawiin ang kalungkutan,
Pagpupuri'y isigaw.
Ibunyi Siyang sa ati'y
Naglapit sa kaibigan,
At S'yang naghatid sa atin,
Kay Jesus na paanan.
Koro
Awitin, awitin,
Ang awit ng katuwaan,
Awitin ang awit nitong
Pagdiriwang.
II
Ating batiing may awitan
Araw ng pagdiriwang;
Ang masasayang hosana'y
Ating ipagsigawan.
Kal'walhatian ni Jesus
Ating papupurihan,
"Ang matandang salaysayin"
Ay ating isasaysay.
Koro
Awitin, awitin,
Ang awit ng katuwaan,
Awitin ang awit nitong
Pagdiriwang.
III
Salamat sa 'Yo, Amang banal,
Sa mga kahabagan;
Ang lahat nawa ng narito,
Ikaw'y pasalamatan.
Salamat sa 'Yo, O Jesus,
Sa dugong katubusan.
O Banal na Espiritu,
Kami'y Iyong hingahan.
Koro
Awitin, awitin,
Ang awit ng katuwaan,
Awitin ang awit nitong
Pagdiriwang.