14

Ang Pangalang Anong Tamis

0:000:00
100%

I

Ang pangalang anong tamis,
Nakakaalis ng hapis,
Nagpapasaya sa isip,
Ay ang ngalan ni Hesus!

Koro

"Hesus," O anong tamis!
"Hesus," kaibig-ibig!
Lagi tayong umawit,
Sa pangalan ni Hesus!

II

Yamang tangi ko sa buhay!
Na tuwina'y kailangan,
At labis kong minamahal,
Ay ang ngalan ni Hesus!

Koro

"Hesus," O anong tamis!
"Hesus," kaibig-ibig!
Lagi tayong umawit,
Sa pangalan ni Hesus!

III

Kung ako ay naninimdim,
At ang buhay ko'y malagim,
Wala akong tanging aliw,
Kundi ang ngalan ni Hesus!

Koro

"Hesus," O anong tamis!
"Hesus," kaibig-ibig!
Lagi tayong umawit,
Sa pangalan ni Hesus!

IV

Ang matamis na pangalan,
Sa puso ko'y minamahal,
At awitin ko sa buhay,
Ay ang ngalan ni Hesus!

Koro

"Hesus," O anong tamis!
"Hesus," kaibig-ibig!
Lagi tayong umawit,
Sa pangalan ni Hesus!