126

Anong Tamis ng Awitan

0:000:00
100%

I

Anong tamis ng awitan
Ng mga anghel na tanan
Ang tuwa'y gayon na lamang
Sa kalangitan.

Koro

Kaysaya sa langit!
Kaysaya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa't pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!

II

Sa malwalhating pintuan
Papasok ang karamihan,
Anong laking kagalakan
Sa kalangitan.

Koro

Kaysaya sa langit!
Kaysaya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa't pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!

III

Masasayang alingawngaw
Ang laging mapapakinggan;
Ang bango'y di ano lamang,
Sa kalangitan.

Koro

Kaysaya sa langit!
Kaysaya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa't pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!

IV

Walang luha, walang lumbay,
Kundi pawang kasayahan,
Awita'y sagut-sagutan
Sa kalangitan.

Koro

Kaysaya sa langit!
Kaysaya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa't pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!

V

Ang mga kalwalhatian
Ni Jesus ang tanging ilaw;
Siya'y ating papupurihan
Sa kalangitan.

Koro

Kaysaya sa langit!
Kaysaya ang doon ay mapanhik!
Ang tuwa't pag-ibig
Di malalahukan ng hinagpis!