I
Kay Jesus kayo'y sumamba, Buong sanglangitan,
Ilabas ang diyadema, At Siya'y putungan!

II
Kayong lahi ni Israel, Mahina't iilan,
Kayo ay magsisamba rin, At Siya'y putungan!

III
Lahat ng tao sa lupa, Dapat ding gumalang,
Sa Kanya'y mangayupapa, At Siya'y putungan!

IV
Tayo nawa'y makasama, Noong karamihan,
Nang masamba natin Siya, At tuloy putungan!