I
L'walhatiin si Jesus na Manunubos!
Awitin ang Kaniyang pag-ibig,
Mga anghel ay nangagpupuring lubos
Puri't galang sa ngalang marikit;
Matiyagang iingatan ka Niya,
Kakalungin habang nabubuhay;
Koro
Ipahayag ang kadakilaan Niya,
Sa awit ay galak na isaysay!
II
L'walhatiin si Jesus na Manunubos!
Hirap, sakit, Kaniyang tiniis;
Namatay at ang dugo ay ibinuhos
At sa sala tayo ay binihis;
Ang nasa saligang bato'y si Jesus
Ng pag-asa at ng kaligtasan;
Koro
Ipahayag ang kadakilaan Niya,
Sa awit ay galak na isaysay!
III
L'walhatiin si Jesus na Manunubos!
Purihin Siya nang buong dangal,
Ang propeta, hari't saserdote ng Diyos
Maghaharing walang kawakasan;
Paririto sa ikaliligaya
Ng lahat ng nagsipanagumpay;
Koro
Ipahayag ang kadakilaan Niya,
Sa awit ay galak na isaysay!