138

Tanging ang Ngalan ni Jesus

0:000:00
100%

I

Tanging ang ngalan ni Jesus,
Taglay ang kagalakan,
Ligaya ng mga anghel,
Lubos nating kas'yahan.

Koro

Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus;
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.

II

Tanging ang ngalan ni Jesus
Kung puso ay malungkot,
Tanging ang ngalan ni Jesus
Puso ko'y walang takot.

Koro

Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus;
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.

III

Pag-asang S'ya'y mamamalas
Kung S'ya magbalik na,
Pag-asa ang marinig na
Tatahang kasama N'ya.

Koro

Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus;
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.

IV

Kung nais Niya na ako'y
Gumawa sa ubasan,
Ako ay magagalak din
Pagamit ng lubusan.

Koro

Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus;
Anong tamis ang tanging ngalan ni Jesus.

V

Kung kamataya'y sumapit
At ako'y magpahinga.
Magbigay sulit kay Jesus
Manatili sa Kanya.