140

Tirhan, Espiritung Banal

0:000:00
100%

I

Tirhan, Espiritung Banal,
Puso't isip, tanglawan;
Laging paalalahanan
Nang sala'y mailagan.

Koro

Punuin, ngayon din,
Ng Espiritung Banal;
Jesus, ako ay punuin.
Ng Espiritung Banal.

II

Espiritung magiliwin
Ako'y Iyong puspusin;
Bawa't oras ay ang hiling.
Lumagi sa 'king piling.

Koro

Punuin, ngayon din,
Ng Espiritung Banal;
Jesus, ako ay punuin.
Ng Espiritung Banal.

III

Kahinaan ko'y lunasan.
Oh! Espiritung Banal,
Ako'y bigyang kasiyahan.
Sa pagibig Mong mahal.

Koro

Punuin, ngayon din,
Ng Espiritung Banal;
Jesus, ako ay punuin.
Ng Espiritung Banal.

IV

Iligtas at pagpalain.
Ako'y laging aliwin.
Ilayo sa bakla't lagim.
Sa biyaya'y busugin.

Koro

Punuin, ngayon din,
Ng Espiritung Banal;
Jesus, ako ay punuin.
Ng Espiritung Banal.