144

O Banal na Espiritu

0:000:00
100%

I

O Banal na Espiritu,
Na nakabubuhay;
Pag-ibig pag-alabin Mo
Sa pusong lupaypay.

II

Diwa nami'y itaas Mo,
sa lupa'y alisin!
Saka kami ay hahayo
Upang tuwa'y kamtin.

III

Ang aming mga kalul'wa'y
Gisingin sa awit;
At ang pag-aalinlanga'y
Ganap na iligpit.

IV

Ama, sa lagay na ito
Di nais mabuhay;
Dakila Ka, kaya naman
Iibiging tunay.

V

O Banal na Espiritu,
Na nakabubuhay;
Sa 'min pag-ibig ni Kristo'y
Iyong idampulay.