146

Oh! Espiritung Banal

0:000:00
100%

I

Oh! Espiritung banal Tapat na taga-akay,
Laging kaakbay-akbay ng Krist'yano sa daan,
Kami ay pangunahan kamay Mo'y ialalay.
Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.

II

Laging laan at tunay Tapat na kaibigan.
Kami'y h'wag Mong bayaan na mag-isa sa buhay;
Kung may bagyong dumaan at puso'y manlupaypay,
Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.

III

Kung ang wakas ng lahat Malapit nang mamalas.
At sa Diyos na malingap kami ay tumatawag,
Sa gitna ng bagabag, ng pusong naghihirap.
Oh! Espiritung Banal Ikaw nga ang umakay.