148

Tinapay ng Buhay ay Hatiin

0:000:00
100%

I

Tinapay ng buhay ay hatiin,
Gaya nang maghati sa pampangin;
Sa amin, Oh Jesus, bahaginin,
Nang lagi Kang sumapuso namin.

II

Sa banal na aklat hinanap Ka
Nang magtibay ang aming pag-asa;
Sa katotohana'y nakilala,
At ang pala ay tinatamasa.

III

Tinapay ng buhay Ka, Pangino'n,
Ang Salita Mo'y katotohanan;
Ako ay busugin sa lakbayin,
At gawing maibigin t'wi-t'wina.

IV

Salita Mo'y espiritu't buhay,
Sa pagsunod diyan kami'y laan;
Tulong Mo sa ami'y iagapay,
Nang sa pagtalima'y magtagumpay.