162

Magiliw na si Jesus Tumatawag

0:000:00
100%

I

Magiliw na si Jesus tumatawag
Sa iyo at sa akin;
Sa pinto'y naghihintay S'yang may habag
Sa iyo at sa akin.

Koro

Hayo na't umuwi,
Napapagal, umuwi;
Magiliw na si Jesus tumatawag
Sa nagkasalang lahat.

II

Bakit tayo'y magpapaumat-umat
Sa Kanyang panawagan?
Bakit hindi dinggin ang pakiusap
Ng Kanyang kaawaan?

Koro

Hayo na't umuwi,
Napapagal, umuwi;
Magiliw na si Jesus tumatawag
Sa nagkasalang lahat.

III

Isipin ang pangako N'yang paggiliw
Sa iyo at sa akin;
Awa't patawad N'ya'y di nagmamaliw
Sa iyo at sa akin.

Koro

Hayo na't umuwi,
Napapagal, umuwi;
Magiliw na si Jesus tumatawag
Sa nagkasalang lahat.