I
Tumatawag si Jesus na Pastor mo't irog,
Ikaw'y pinapapasok sa Kanyang pagkupkop;
Lapit hanggang may lakas, hanggang batang wagas.
Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.
Koro
Magiliw na Siya'y tumatawag,
Naliligaw, lumapit na agad,
Huwag papaghintaying maluwat.
Si Jesus nating liyag.
II
Si Jesus ang nag-alay ng Kaniyang buhay,
Upang iyong makamtan walang-hanggang buhay;
Ngayo'y dagli mong dinggin tawag N'yang magiliw.
Pahinga'y pasukin suma Kanyang piling.
Koro
Magiliw na Siya'y tumatawag,
Naliligaw, lumapit na agad,
Huwag papaghintaying maluwat.
Si Jesus nating liyag.
III
Magpaliba'y panganib malamang mawaglit,
Lobong gala'y malimit manila ang nais,
Kaya't dinggin ang tawag ni Jesus na liyag.
Lumagay nang panatag sa dakong maluwag.
Koro
Magiliw na Siya'y tumatawag,
Naliligaw, lumapit na agad,
Huwag papaghintaying maluwat.
Si Jesus nating liyag.