I
May papasok din sa pintuan ng s'yudad na banal!
Titikim ng kal'walhatian: Sino kaya? Ako? Ikaw?
May lalakad sa gintong daan mamamasdan ang maiinam.
Matutuwa sa hinulaan: Sino kaya? Ako, Ikaw?
II
Ang krus ay ibababang tunay pagdating ng araw;
Bawa't tapat ay puputungan: Sino kaya? Ako? Ikaw?
Hari'y makikitang mukhaan at ligtas na sa kalumbayan,
Maliligayang walang-hanggan: Sino kaya? Ako? Ikaw?
III
May tutuktok na di bubuksan pagdating ng araw;
Sa pagpupuri ay kapisan: Sino kaya? Ako? Ikaw?
Sa pintong bukas tumawag man ay hindi na rin pakikinggan.
Gantimpala'y di matitikman: Sino kaya? Ako? Ikaw?
IV
May aawit din ng tagumpay pagdating ng araw;
Kasama ng mga tinubos: Sino kaya? Ako? Ikaw?
May babati sa gintong daan magsasama-sama sa walang-hanggan.
Ligtas sa kaluwalhatian: Sino kaya? Ako? Ikaw?