I
Liwanag ay lumalabas
Sa pintong nakabukas.
Doon sa krus namamalas
Pag-ibig ng nagligtas.
Koro
Manatili kayang bukas
Ang pinto ng awa't habag?
Sa 'kin, sa 'kin
Magpahanggang wakas?
II
Ang pinto'y bukas sa lahat
Na rito'y humahanap;
Mayaman man at mahirap
Tinatanggap na lahat.
Koro
Manatili kayang bukas
Ang pinto ng awa't habag?
Sa 'kin, sa 'kin
Magpahanggang wakas?
III
Masok samantalang bukas,
Putong ay matatanggap.
Alintanahin ang hirap
Na dulot ni Satanas.
Koro
Manatili kayang bukas
Ang pinto ng awa't habag?
Sa 'kin, sa 'kin
Magpahanggang wakas?
IV
Sa pasanin maiibsan
Ipapalit ay buhay.
Kasayahang walang hanggan
Ang laging makakamtan.
Koro
Manatili kayang bukas
Ang pinto ng awa't habag?
Sa 'kin, sa 'kin
Magpahanggang wakas?