I
Ang nakarinig ay magbalita,
Sa sanlibutan ng mga hiwaga;
Sa lahat ng tao'y ipaunawa;
Lumapit ang may nasa.
Koro
Bawa't may nasa, bawa't may nasa
Ay maglaganap ng ating balita,
Ang tawag sa atin ng Ama'y handa,
Lumapit ang may nasa.
II
Bawa't may nasa ngayo'y lumapit
Pasukin ang pinto hanggang di pinid;
Si Jesus ang daang tungo sa langit
Lapitan ng may nais.
Koro
Bawa't may nasa, bawa't may nasa
Ay maglaganap ng ating balita,
Ang tawag sa atin ng Ama'y handa,
Lumapit ang may nasa.
III
Pangako'y tunay sa magtatapat
At mananatili hanggang sa wakas;
Walang-hanggang buhay ang igagawad
Sa may nasang tumanggap.
Koro
Bawa't may nasa, bawa't may nasa
Ay maglaganap ng ating balita,
Ang tawag sa atin ng Ama'y handa,
Lumapit ang may nasa.