174

Nais Mo Bang sa Sala'y Maligtas

0:000:00
100%

I

Nais mo bang sa sala'y maligtas?
Dugo ni Jesus ay malakas;
Kung tagumpay nais matamasa,
Sa dugo makakaasa.

Koro

May lakas ang dugo ni Jesus,
Na doo'y nabuhos;
Ililigtas N'ya tayong lubos
Sa dugo Niyang pantubos.

II

Nais mo bang gahisin ang tukso?
Dugo'y may lakas ng Kordero;
Sa Kalbaryo ay lapitan Siya,
Sa dugo makakaasa.

Koro

May lakas ang dugo ni Jesus,
Na doo'y nabuhos;
Ililigtas N'ya tayong lubos
Sa dugo Niyang pantubos.

III

Nais mo bang maglingkod kay Jesus
Nang buong puso at mataos?
Nais mo bang umawit sa Kanya?
Sa dugo makakaasa.

Koro

May lakas ang dugo ni Jesus,
Na doo'y nabuhos;
Ililigtas N'ya tayong lubos
Sa dugo Niyang pantubos.