I
Ikaw ang batong buhay na sa aki'y nabuksan,
Ako'y isinanggalang sa maraming kaaway.
Batis Kang sakdal inam, gamot naming may damdam.
II
Hanggang may tumitibok, hininga sa pag-irog,
Hindi ako tutugot, hanggang 'di Ka mabantog.
Ikaw ang nagpalubog sa angkan ng balakyot.
III
Iaalay kong lahat buhay ko hanggang wakas,
Kami'y pawang haharap sa hukuman Mong tapat.
At doo'y mahahayag ang tanang pagkahubad.